May 10-12, 2024|Pacific Mall, Legazpi City, Albay
Nag-uwi ng karangalan ang CSPC NARAPHIL Arnis Team mula sa kauna-unahang “Baranogan in Magayon Festival Arnis Qualifying Tournament Regionals” na ginanap sa Pacific Mall, Legazpi City, Albay nito lamang na ika-10 hanggang ika-12 ng Mayo, 2024.
Tatlo sa anim nitong medalya ang nakamit mula sa pagtatanghal ng Likha-Anyo, kung saan ay naiuwi nina Jake Leonard Bendal at Limuel Soliman ang pilak na medalya para sa Solo Weapon Traditional at Double Weapon Traditional sa kani-kanilang kategorya, at tansong medalya naman para kay Jenelyn Boaqueña sa kategoryang Solo Weapon Traditional.
Samantala, ang tatlo pang karangalan ay mula naman sa pakikipagbakbakan ng mga Arnisador sa combative event. Dito ay nasungkit nina Chlarence John Cariño sa Livestick 18-30 Age Category (Men’s Division) at Jenelyn Boaqueña sa Padded 22-25 Age Category (Women’s Division). Sa angking galing na ipinamalas din ni Mark Rigie Albar sa Padded Open Age Category ng men’s division ay nakapagkamit siya ng pilak na medalya sa nasabing patimpalak.
Winners of this competition will compete in the 2024 PEKAF National Open Arnis Championship-Zubiri Cup in June.
Congratulations!
|
LIKHANG-ANYO Event: JAKE LEONARD BENDAL LIMUEL SOLIMAN JENELYN BOAQUEÑA |
COMBATIVE Event: MARK RIGIE ALBAR CHLARENCE JOHN CARIÑO JENELYN BOAQUEÑA |
| PEDRO P. TURIANO Team Coach |
|