Hitik ang Pilipinong literatura sa mga KAKAIBANG NILALANG taglay ang malalalim na kasaysayan. Malimit mang iniuugnay ang mga ito sa negatibong puwersa o kapangyarihan, sinasalamin naman ng mga karakter na ito ang makukulay at imahinatibong pag-iisip ng ating mga ninunong pinanggalingan.
Ikaw ba ang TIKBALANG🐴 na kayang tumakbo nang matulin sa paghagilap ng katotohanan?
Ikaw ba ang MANANANGGAL 🧟‍♀️na pinapatay ang kasinungalingan?
Ikaw ba ang DIWATANG 🧝🏻‍♀️may mahikang dumisenyo at kumulay?
Gusto mo bang malaman? Sali ka sa screening ng the SPARK Staff sa darating na Agosto 30, 2021, ika-8 hanggang ika-12 ng tanghali.
Narito ang link ng registration form: https://forms.gle/tqf2nV5FchtwZnf97
Bukás ang screening para sa mga mag-aaral ng Dalubhasaang Politeknik ng Camarines Sur.
Ito ang mga event na maaari mong applyan:
  • Pagsulat ng Lathalain (Feature Writing)
  • Pagsulat ng Balita (News Writing)
  • Pagsulat ng Editoryal (Editorial Writing)
  • Pagsulat ng DEVCOM (DEVCOM Writing)
  • Pagsulat ng Isports (Sports Writing)
  • Pagsulat ng Pampánitikán (Literary Writing)
  • Paglalarawang Tudling (Editorial Cartooning)
  • Pagdidisenyong Grapiko (Graphic Designing)
  • Pangingiyot (Photojournalism)
  • Pag-aanyo ng Pahina (Page Layouting)
Ang kabuoang mekaniks ng screening ay isisend sa sinomang tutugon sa registration form na inilahad sa taas.
Kaya ano pang hinihintay mo? Register na!