Selebrasyon ng Buwan ng Wika

Ipinagdiriwang tuwing Agosto bawat taon ang Selebrasyon ng Wikang Pambansa. Bilang pakikiisa ng kolehiyo sa nasabing selebrasyon na may temang “Filipino: Wikang Mapagbago”, isinagawa noong Agosto 24 ang iba’t ibang programa na nilahukan ng mga mag-aaral. Isa na rito ay ang paligsahan sa pagsulat ng sanaysay, pagsulat ng tula, paggawa ng slogan, paggawa ng poster. Sa pagpapatuloy ng programa, idinaos din noong Setyembre 4, 2017 ang talumpating handa, talumpating di handa, isahang awit, dalawang awit, makabagong sayaw, katutubong sayaw, sabayang bigkas, pagkukuwento at hugutan/tigsikan. Kasabay nito, Idinaos rin ang pampinid na palatuntunan sa pagdiriwang ng Buwan ngWikang Pambansa Inimbitahan bilang panauhing pandangal si Dr. Evelyn B. Otor, Professor, Pamantasang Ateneo de Naga. Ang mga kawani at mag-aaral ay nagsuot ng mga pambansang kasuotan bilang paggunita at pakikiisa. Ang matagumpay na pagdiriwang ay naisagawa sa pamumuno ni Gng. Maria Teresa V. Septimo at ang pamunuan ng Samahan ng Mag-Aaral sa Filipino.